500K voters, inaasahan sa voter registration extension

Nasa 500,000 na dagdag na mga botante ang inaasahan ng Commission on Election o Comelec sa pagreresume ng voter registration simula ngayong araw hanggang sa Oktubre 30.

Ito ang kasunod sa pagpapalawig ng voter registration ng Comelec dahil sa ‘public clamor’ na dapat umano itong i-extend.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Dahil dito ay nasa 16 na araw na lamang ang natitira para makapagparehistro at makaboto sa 2022 elections.

Kaugnay nito ay ilan sa mga nais magparehistro ay pumila na kahit hatinggabi pa lamang sa area ng Quezon City.

Sa Comelec office sa Brgy. Sto. Cristo ay sa barangay hall muna nanatili ang mga pumila dahil sa curfew na ipinapatupad.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Ilan sa kanila ay lumiban pa sa trabaho para lamang samantalahin ang pagkakataong makapagrehistro.

Ayon sa mga botante, masaya sila sa extension ng registration dahil gustong-gusto nilang makaboto sa darating na eleksyon.