Panukalang kikilala sa Mt Masaraga sa Albay bilang protected area, isusulong sa kongreso

BICOL—Plano ngayon ng isang kongresista sa Albay na magsulong ng panukalang batas sa kongreso na kikilala sa Mt. Masaraga bilang protected area.

Ito ay kasunod ng naging hakbang ng Department of Environment and Natural Resources (DENR – CENRO) sa bayan ng Guinobatan kung saan iprinisenta kay Albay 3rd District Congressman Fernando Cabredo nitong Hulyo 9 ang kanilang hangarin para sa panukalang Mt. Masaraga Protected Landscape.

Read More:  Drunk man allegedly sets own house on fire in Cebu

Ang Mt. Masaraga na isang extinct stratovolcano ay tahanan ng iba’t-ibang uri ng flora and fauna at isang critical watershed para sa Bicol River Basin. Matatagpuan rin dito ang Rafflesia, na siyang itinuturing bilang pinakamalaking bulaklak sa buong mundo.

Plano ni Cabredo na isulong ang panukalang tatawaging Mt. Masaraga Protected Landscape Act of 2021(MMPL) na layuning tiyakin ang proteksyon ng mayamang biodiversity ng nasabing bundok kung saan ipapaloob ito sa Expanded National Integrated Protected Area Systems Act (ENIPAS Act).

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Ang Mt. Masaraga ay isa lamang sa tatlong magagandang bundok sa Albay na kinabibilangan ng Mayon at Malinao.|| SLM