50 benepisyaryo sa So.Cot nakatanggap ng kapital para sa rabbitry farming

KORONADAL CITY- NAKATANGGAP ng tig P 10,000 na capital seed fund para sa Rabbit Farming Project ang 50 mga indibidwal sa bayan ng Banga at Norala.

Ito ay sa ilalim ng ANGAT program o Alalay sa Negosyo, Ginhawa at Trabaho ng provincial government ng South Cotabato sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO).

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Kabilang sa mga nakatanggap nito ay ang mga benepsiyaryo mula sa Barangay San Vicente, Lamba at Lambingi sa Banga, at mga barangay ng Puti at Simsiman sa Norala.

Naglaan ang provincial government ng P 1.5 million na pondo sa ANGAT program para sa 150 mga mahihirap na mga indbidwal upang magkaroon ang mga ito ng mapagkakakitaan ngayong panahon ng pandemya.

Read More:  Grade 3 student dies after alleged punch by classmate in Davao City

Ang Rabbitry farming o pag-aalaga ng mga rabbit ay natukoy bilang isang promising industry sa South Cotabato na makakapagbigay ng income sa mga benepisyaryo.