5 rescuer patay sa pananalasa ng bagyong ‘Karding’ sa Bulacan

Kinumpirma ni Bulacan Governor Daniel Fernando na may limang tauhan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang inanod ng flash flood habang nagsasagawa ng rescue operations sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Karding nitong Linggo ng gabi.

Nangyari umano ang insidente sa Barangay Camias sa San Miguel, Bulacan.

Read More:  Sotto questions legality of flood control subcommittee

Sinabi ni Fernando na gumamit ng bangka ang mga rescuer matapos masira ang kanilang trak habang patungo sa kanilang misyon subalit dahil sa flash flood, isang pader ang gumuho at tumama sa mga ito.

Read More:  Palace withholds judgment on VP Sara impeachment trial

Tiniyak naman ng gobernador na magbibigay sila ng tulong sa pamilya ng mga nasawing rescuers.

Nabatid na nasa 2,000 katao ang inilikas sa mga evacuation centers matapos bahain ang ilang lugar sa lalawigan.