5 Pilipino, kabilang sa eroplano ng Singapore Airlines na nakaranas ng severe turbulence

Limang Pilipino ang sakay ng Boeing 777 plane na nakaranas ng “severe turbulence” at nag-emergency ladning sa Bangkok, Thailand.

Kinumpirma ito ng Singapore Airlines matapos maiulat na nasawi ang isang British national at hindi bababa sa 70 pasahero ang sugatan.

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

Nakikipagtulungan na ang airlines sa mga awotoridad ng Bangkok upang makapagbigay ng kinakailangang medical assistance sa mga apektadong pasahero.

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

Nagbigay naman ito ng pakikiramay sa pamilya ng nasawing British national at humihingi ng paumanhin sa mga pasaherong nakaranas ng “traumatic experience” sa flight SQ321.