Dumi ng tao kung saan-saan sa Naga City, nabawasan

NAGA CITY – Nabawasan at halos wala nang nakikitang dumi ng tao kung saan-saan ang Naga City Sanitary Office.

Ayon kay Abel Victor Tindugan, Chief Sanitation Inspector III, ng opisina, halos ang 27 barangay sa lungsod ay ZOD o Zero Open Defecation Accredited na katulad ng Barangay Dayangdang, Tinago,Tabuco, Sabang, Dinaga, Lerma, San Francisco, at iba pa, ibig sabihin marami na ring mga residente ang may sarili nang palikuran, disiplinado na rin ang marami. Dahil na rin sa patuloy na pakikipagtulungan ng barangay sa kanila, na halos wala na rin silang natatanggap na reklamo, kung mayroon man kaagad na pinupuntahan para maaksyunan ang problema.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

May ilan pang mga residente ang wala pang palikuran dahil sa problema sa espasyo o mapaggagawan ng deposito, gumagawa ng malaking deposito ang barangay upang isahan ang bagsak ng mga dumi mula sa iba-ibang palikuran.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Dagdag pa ng opisyal, mahalaga na may sariling palikuran ang isang bahay lalo na ang mga residente na malapit sa imbakan ng mga basurahan, inilalayo kasi mula sa iba-ibang sakit, katulad ng sobrang pananakit ng tiyan, pagsusuka at marami pang iba, maliban sa kalusugan ng tao, malaki rin ang epekto ng kakulangan ng palikuran sa paligid dahil nagdudulot ito ng polusyon sa mga ilog, lawa at iba pang mapagkukunan ng tubig.