5 oras na patubig, inireklamo; NIA, nagpaliwanag

Inireklamo ng ilang magsasaka sa Brgy Taboc at Catan-agan Juban ang hindi sumasapat na patubig sa kanilang lugar dahil limang oras lamang silang pinapatubigan at hindi naman umano ito sapat sa malawak na lupang sakahan nila.

Dagdag pa nito na malaking halaga ang ginastos sa proyekto ngunit ito lamang ang kanilang maibibigay sa mga magsasaka.

Ayon pa sa magsasaka, hindi kakayanin ng konting pumping station na ginawa ng National Irrigations Administration para sa malawak na palayan sa nasabing dalawang barangay.

Depensa naman ng NIA, solar generated ang kanilang mga pumping stations kaya’t nakadepende lamang ito sa init ng araw na siyang nagpapatakbo sa kanilang mga ekepahe.

Hindi rin sila ang may kontrol ng patubig sa lugar kundi ang irrigator’s association na nakakasakop dito at walang katotohanan umano na konti lamang ang kanilang pump station na nilagay dahil sa ngayon ay meron na silang 9 na pumping station at lima rito ay operational na.

Panawagan ng nasabing tanggapan na kung may reklamo, ay sumulat sa kanilang opisina para maaksyonan agad ang nasabing isyu.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *