‘Totoy,’ minolestiya ni ‘Manay’

Arestado ng mga tauhan ng Sorsogon City Police Station ang 34-anyos na babaeng wanted sa pangmomolestiya sa isang menor-de-edad.

Naaresto ang akusado sa Brgy Cogon-Almendras, East District, Sorsogon City.

Kinilala lamang ito sa alias na ‘Joyce,’ may asawa, tubong Brgy Tobog, Oas, Albay at kasalukuyang nakatira sa Brgy Piot, West District ng nasabing lungsod.

Si alias Joyce ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na may petsang Marso 1, 2024 na inisyu ng Family Court, 5th Judicial Region, Br 12 sa kasong paglabag sa section 5, paragraph B, Art III ng RA 7610 o Other Sexual Abuse na may itinakdang piyansa na P200,000.00.

Nabatid na ang akusado ay nasa Top 4 City Most Wanted Person ng Sorsogon CPS.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *