4 na kalalakihan na magnanakaw sana ng baka sa Angadanan, Isabela; 1 arestado; 3 nakatakas; marijuana at baril, nakumpiska

Isa ang arestado habang nakatakas ang tatlong iba pa matapos magtangkang magnakaw ng baka dakong alas-4 kaninang madaling araw sa Brgy. Cumu, Angadanan, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, unang nakatanggap umano ang PNP Angadanan ng impormasyon mula sa isang concerned citizen na mayroong mga kahina-hinalang kalalakihan na umaaligid sa isang pastulan sa nabanggit na lugar.

Agad namang tinungo ng kapulisan ang lugar sa pamumuno ni PMaj. Ardee Tion, hepe ng PNP Angadanan kung saan habang nasa daan ay dito nakasalubong ang apat na kalalakihan na may hila-hilang isang puting baka na walang marka.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Nang beberipikahin ng mga otoridad ang mga suspek ay dali-daling sumakay sa dalawang single motorcycle ang mga ito at tagad umakas.

Hinabol naman ng mga pulis ang tumatakas na mga suspek at nahulog ang isang rider dahilan upang magtamo ng malalang sugat sa kaliwang bahagi ng kaniyang katawan.

Naaresto ang naturang suspek kung saan nakumpiska rin sa kaniyang pag-iingat ang kalibre 38 na pistol na may 3 bala, marijuana leaves na nakabalot ng damit at 3 stick ng dried marijuana leaves sa na nasa loob ng pakete ng sigarilyo.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Ayon sa pulisya, tikom ang bibig ng nahuling suspek at hindi pa matukoy ang kaniyang pagkakakilanlan na pinaniniwalaang isang dayuhan at tinatayang nasa 30-anyos.

Dinala ang suspek sa pagamutan para malapatan ng lunas habang nagpapatuloy naman ang pagtugis sa tatlo pa nitong mga kasamahan.

Mahaharap ang suspek sa patung-patong na kaso na paglabag sa Presidential Decree 533, Republic Act 10591 at RA 9165.