5 medical frontliners, kasama sa 11 bagong covid-19 positive sa Albay

LEGAZPI-Kasama ang 5 medical fronliners at 4 na pasyente nito sa mga bagong listahan ng nagpositibo sa sakit na Covid-19 sa lalawigan ng Albay.

Ayon sa report ng Albay Provincial Office o Albay PHO, noong martes, apat ang naitalang nagpositibo, at lahat ng ito ay nakaranas ng sintomas at noong myerkules naman, 7 ang naitala.

Read More:  Two farmers nabbed in fake gold scam, shabu seized

Wala naman na bata at lahat ay nasa hustong gulang.

Pinakabata ang nasa edad 28 anyos na taga barangay Binanuahan East, Legazpi City at ang pinakamatanda naman ay isang 74 anyos na lola na taga pawa sa bayan ng Manito.

Read More:  2 boys found dead inside abandoned vehicle in Cebu

Ayon sa report, kasalukuyang naka-admit sa BRTTH ang nasabing lola matapos maexpose sa kapwa nito pasyente.

Ang ilan naman na nakaranas ng sintomas at nagpositibo ang inabisuhang mag self quarantine at patuloy na minomonitor sa barangay.

Paglilinaw naman ng Albay PHO, na sinasagawa pa rin ang contact tracing sa mga nakasalamuha nito.