BFAR suportado ang hakbang ng Provincial Government na paigtingin ang operasyon kontra illegal fishing

CAMARINES NORTE- Suportado ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang hakbang ng Provincial Government na paigtingin ang operasyon kontra illegal fishing sa lalawigan ng Camarines Norte.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet sinabi ni OIC Regional Director Nelson Bien na inatasan na niya ang head ng kanilang law enforcement unit na makipag ugnayan sa Provincial Government at mga munsipyo para sa paglikha ng task force.

Ganito umano ang kaniyang ginawa noong siya ay nakadestino sa Bataan kung saan miyembro ng Task Force ang lahat ng munisipyo.

Magsisilbing Chairman ang Gobernador at Co- Chairman naman ang Head ng BFAR.

Aminado naman si Bien na sa kabila ng batas na nagbabawal sa operasyon ng buli- buli ay marami pa rin ang ooperate sa rehiyon.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Nagkaroon daw kasi ng pagluluwag ng implementasyon ng batas sa kasagsagan ng pandemya kung kailan maraming tao ang nagugutom.

Pero kung mayroong total ban sa buli- buli ay pinapayagan naman umano ang trawl fishing basta hindi sila dapat mag operate sa loob ng 15 kilometro o sa loob ng Municipal water.

“Ito naman na mga trawl, we provide license, we give license sa trawl but dae dapat sila mag- operate sa loob ng 15 kilometers, dun sila sa labas, eh nangyari naman kasi itong mga trawl pumapasok pa rin, nag i- encroach pa rin sa municipal kaya nagkakaroon sila ng violation,” ani Bien.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Umapela rin ang opisyal sa mga gumagawa pa rin ng iligal na makipagtulungan sa gobyerno lalo na at seryoso aniya ang Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte na sugpuin ito.

Mababatid na isa umano sa pagtutuunan ng pansin ni Gobernador Ricarte “Dong” Padilla ay ang pagsugpo sa buli- buli at iba pang iligal na gawain.

Kamakalawa ay nagpalabas ng Executive Order ang Gobernador na lumilikha sa Governor’s Special Action Group na siyang titiyak na naipapatupad ang mga ordinansa sa probinsiya.

Kapalit ito ng binuwag na Governor’s Task Force ng nakaraang administrasyon.

Kahapon ay itinalaga ni Padilla si Capalonga Municipal Councilor Senandro Jalgalado bilang head ng naturang Task Force.