DSWD Region 3 naghatid na ng mga relief packs sa kanilang mga Provincial Extension Offices

Nagpadala na ng mga family food packs at non-food items ang Department of Social Welfare and Development Region 3 sa kanilang mga Provincial Extension Offices sa Central Luzon.

Ito ay alinsunod sa kautusan ni Sec. Erwin Tulfo na ibalik ang early prepositioning ng mga relief goods sa bawat lugar.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Layon nitong mayroon kaagad naka-stand by na mga goods para may maibibigay kaagad sa mamamayan sakali mang may kalamidad o sakuna.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Unang ipinadala ng DSWD Region 3 ang 50 Family Food Packs at 45 Non-Food Items na may kasamang 15 hygiene kit, 15 family kit at 15 sleeping kit.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Photo: Aljoie Tulabut