5 kilo bigas ibibigay sa mga magpapabakuna vs Covid-19 sa Sorsogon

SORSOGON CITY—Sa layuning mapataas ang bilang ng mga bakunado kontra Covid-19 sa lalawigan ng Sorsogon ay naglaan ang lokal na pamahalaan ng lalawigan ng insentibong bigas sa mga magpapabakunang mamamayan.

Bawat indibidwal na magpapabakuna ay makatatanggap ng limang kilong bigas, hakbang upang mahikayat na maging fully vaccinated at maging boosted ang bawat pamilyang Sorsoganon.

Sa impormasyon mula sa Provincial Information Office, nasa 2,000 sako ng bigas ang inilaan ng provincial LGU na ipapamahagi sa 14 na munisipyo at tatlong district health unit sa lungsod ng Sorsogon.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

520 nito ay para sa LGU Barcelona 2,600 sa Bulan; 290 sa  Bulusan; 790 sa  Casiguran; 1,540 sa  Castilla; 1,610 sa  Donsol; 1,590 sa  Gubat; 1,460 sa Irosin; 830 sa Juban; 920 ang Magallanes; 1,060  Matnog; 1,930 sa Pilar; 580 sa Pto.Diaz; 400 sa Sta.Magdalena at 3,880 sa Sorsogon City.

Ang proration ay base sa pinag-samang numero ng mga indibidwal na hindi pa bakunado at natitirang hindi pa nagpa-booster.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Sa ngayon ay limitado lamang ang pamamahagi nito sa mga magpapabakuna kung saan kapag naubos na ang suplay ay tapos na rin ang nasabing programa.

Samantala, mula naman sa pitong piso per vaccinee na natatanggap ng vaccination team sa MR-SIA noon ay gagawin na itong sampong piso sa bawat indibidwal na kanilang mababakunahan.

Mababatid na kapos pa rin sa 80% ng target population ang nababakunahan laban sa Covid-19 sa lalawigan ng Sorsogon.###