Active Covid-19 cases sa Sorsogon muling tumaas dahil sa 11 bagong kaso

SORSOGON CITY—Sumampa na sa 33 ang aktibong kaso ng Covid-19 sa lalawigan ng Sorsogon matapos na makapagtala ng 11 na mga bagong kaso kahapon.

Sa inilabas na datos ng Sorsogon Provincial Health Office (PHO), anim sa mga nagpositibo ay mula sa  Lungsod ng Sorsogon, tig dalawa mula sa bayan ng Magallanes at Gubat, habang isa naman ang mula sa bayan ng Irosin.

Read More:  Viral Bulacan cop removed after brutal assault on wife

Anim sa mga ito ay mga Health Care Workers, apat ang walang travel history, habang isa ang close contact.

Read More:  Davao City fire incidents surge nearly 80% in 2026

Sa kabuuan 8,540 na ang cumulative cases ng mga tinamaan ng Covid-19 sa lalawigan, nananatili naman sa 477 ang mga nasawi dahil sa nasabing sakit habang umabot na sa 8,030 ang total recoveries matapos na makarekober ang anim na mga pasyente.