CAMARINES NORTE- Naabot na ng Camarines Norte ang 80 percent COVID- 19 vaccination coverage.
Batay ito sa datos ng Provincial Covid- 19 Vaccination Operation Center hanggang Hulyo 25 ng taong kasalukuyan.
Kasunod yan ng pagbabago o recalibrated target population alinsunod sa bagong advisory ng Department of Health.
Mula kasi sa 512, 997 na target population sa lalawigan binabaan ito sa 434, 382.
Mataas na rin ang vaccination coverage sa senior citizen na nasa 35, 326 o 75. 6 percent ng 46, 754 na target population.
Pagdating naman sa edad 18 hanggang 59 anyos nasa 244, 434 na ang nabakunahan o 92. 5 percent sa target na 264, 393.
Lumagpas naman sa target na bilang ang mga nabakunahan sa age group na 12- 17 anyos.
Sa target na 54, 888 nasa 60, 056 ang nabakunahan o katumbas ng 109. 4 percent.
Habang sa 5- 11 ay nasa 10, 342 ang nabakunahan sa target na 68, 347 o 15. 1 percent.
Dahil sa pag- recalibrate ng DOH sa target population ay lumagpas sa isang daang porseinto ang vaccination coverage sa San Vicente na umabot na sa 114. 7 percent.
Tumaas din ang vaccination coverage sa iba pang mga bayan tulad ng Daet na umabot na sa 97. 4 percent, Basud na may 94. 9 percent, Capalonga na mayroong 94. 2 percent at Talisay na may 91. 9 percent.
Ang iba pang mga bayan ay umabot na ng 70 percent o higit pa ang vaccination coverage tulad ng San Lorenzo Ruiz, Mercedes, Labo, Jose Panganiban at Vinzons.
Dalawang bayan na lang ang wala pa sa 70 percent ang vaccination coverage sa kabila ng binabaang target at ito ay ang Paracale na nasa 65. 4 percent pa lang at Sta Elena na mayroong 67. 6 percent.
Dahil sa mataas nang vaccination coverage sa lalawigan, kumpiyansa ang Provincial Health Office na papunta na sa Alert Level 1 ang probinsiya.
Kailangan na lang na umabot sa 80 percent ang vaccination coverage sa senior citizen.
Bumaba na rin ngayon sa lima ang aktibong kaso ng Covid- 19 mula sa double digit noong nakaraang linggo.
