5 hanggang 6 na libong pulis, idedeploy sa paligid ng Batasang Pambansa para sa SONA ng Pangulo

Magde-deploy ng lima hanggang anim na libong pulis ang Philippine National Police sa paligod ng Batasang Pambansa para sa ikatlong State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa July 22.

Ayon kay PNP Public Information Office Col. Jedan Fajardo, ito’y para naman tumulong sa pagmamando ng trapiko gayundin ay para bantayan ang mga “no rally zone”.

Sinabi naman ni Fajardo na sa ngayon ay walang na-monitor na seryosong banta sa seguridad sa SONA, pero hindi pa rin magpapakampante ang Kapulisan.

Nauna ng sinabi ni Fajardo na nasa final stage na sila ng latag ng seguridad para sa SONA.

Una nang inihayag ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na aabot sa mahigit 22 libong Pulis at Force Multipliers ang ipakakalat sa nasabing okasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *