Chairperson ng National Commission of Senior Citizens, sinuspinde ng Malacañang

Pinatawan ng 90-days preventive suspension ng Office of the President si Atty. Franklin Quijano, ang Chairperson ng National Commission of Senior Citizens.

Pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang naturang kautusan na may petsang July 09, 2024.

Nag ugat ang suspensyon dahil sa reklamong gross neglect of duty and grave misconduct na inihain ng isang Francisco Tapia.

Nakasaad sa dokumento na layon ng suspensyon na hindi maimpluwensyahan ang isinasagawang imbestigasyon laban kay Quijano.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *