Dagdag na P50 sa arawang sweldo ng job order at contractual employees ng LGU Basud aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Sangguniang Bayan

CAMARINES NORTE- Karagdagang P50.00 sa arawang sweldo ang sasalubong sa mga job order at contractual employees ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Basud, Camarines Norte ngayong 2023.

Ito ay makaraang maaprobahan nitong Lunes, Enero 9 sa ikatlo at huling pagbasa ang ordinansa na nagtatakda ng karagdagang sweldo sa isinagawang regular na sesyon ng Sangguniang Bayan.

Sa ilalim ng “The 2023 daily wage rate of job order and/or contractual employees in LGU Basud ordinance, nasa P300. 00 na ang pinakamababa hanggang P1, 200.00 ang magiging arawang sweldo ng isang job order at contractual employees depende sa position title.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Pinakamataas ang Technical Consultant na nasa 1, 200.00 ang arawang sweldo, P500.00 kapag Engineer, Architects, Nurse, Social Worker, Medical Technologist at iba pang Licensed Professional.

P450.00 naman kapag Draftsman, P423.00 sa Barangay Health Aide, P400 sa Computer Maintenance Technologist/Computer Programmer, Mechanic at Social Welfare Aide.

Nasa P350  naman ang magiging arawang sweldo ng mason/welder/plumber, Bookkeeper, Heavy Equipment Operator, clerk at  driver.

Habang ang farm worker, Laborer/Utility ay magiging P300.00

Itinatakda sa section 4 ng ordinansa ang mga qualifications para sa mga nabanggit na posisyon.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Ayon sa ordinansa mahalaga ang trabaho ng mga job order at contractual employees dahil nagsisilbi itong karagdagang manpower sa mga regular na empleado upang maipatupad ang mga programa at proyekto ng LGU.

Nang dahil sa pagmahal ng presyo ng mga bilihin kahit umano ang pangunahing pangangailangan ng kanilang pamilya ay hindi nila maibigay.

Dahil dito nagpasya ang LGU na kahit kaunti ay madagdagan man lang ang kanilang arawang sweldo sa kabila ng malaking kabawasan sa Internal Revenue Allotment o IRA ng munisipyo dahil sa Mandanas law.