Inflation o pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa Camarines Norte bahagya pang bumagal sa antas na 7. 1 % noong Mayo 2023

CAMARINES NORTE- Bahagya pang bumagal ang inflation o pagtaas ng mga bilihin at serbisyo sa lalawigan ng Camarines Norte noong Mayo sa antas na 7. 1 %.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), mas mababa ito kumpara sa 7.9 % noong Abril pero mas mataas sa 3. 1 % sa kaparehong panahon noong isang taon at isa sa pinakamataas na inflation  sa loob ng limang taon.

Ang restaurants and accommodation services pa rin ang pinaka may mataas na inflation sa lahat ng basket of commodities na nakapagtala ng bagong record high na  23.9 %.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Nag-ambag din sa mataas na inflation ang recreation, sports and culture, furnishing, household equipment and routine maintenance, alcoholic beverages and tobacco at food and non-alcoholic beverages.

Bumaba naman ang gastusin sa pabahay, tubig, kuryente at petrolyo na dati ay isa sa mga nangungunang contributor ng inflation noong mga nagdaang buwan.

Kapag mataas ang inflation nangangahulugan ito na  lalong lumiliit ang halaga ng pera at kakailanganing gumastos ng mas malaki ng mga tao para sa mga produkto at serbisyo na kanilang binibili.

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port

Sa lahat ng probinsiya sa Bicol ang Camarines Sur ang may pinakamataas na inflation noong Mayo sa antas na 7. 2 % na halos pareho ng Camarines Norte.

Pinakamabagal naman ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa Sorsogon sa antas na 3.0 %.