Nagpapatuloy ang paglilinis ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa listahan ng mga 4Ps beneficiaries.
Ayon kay DSWD Sec. Erwin Tulfo nais nilang matiyak na ang pondong inilalabas ng gobyerno ay napupunta sa mga karapat-dapat na benipisaryo.
Kabilang umano sa mga tatanggalin ay ang mga itinuturing na 4Ps graduate o yung mga pamilyang gumanda na ang estado ng buhay at hindi na kasama sa mga pinakamahihirap na pamilya.
Maliban dito maaari ding matanggal sa listahan ang mga indibidwal na mapapatunayang pinang-iinom at pinangtatalpak lamang ang mga ayudang ibinibigay ng gobyerno.
Sa ngayon nilinaw naman ni Tulfo na wala silang parusang ibibigay sa mga umabusong benipisaryo maliban sa pagtanggal nito sa listahan ng 4Ps.
Una nang sinabi ng opisyal na posibleng umabot sa 2 milyon 4Ps benificiaries ang matanggal sa listahan ng DSWD.
