PBBM inatasan ang DOH na resolbahin ang isyu sa mga benipisyo ng mga health workers

Inatasan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Department of Health (DOH) na resolbahin ang mga isyung nakaaapekto sa benepisyo ng mga health worker sa bansa.

Ito ang inilahad ni DOH officer-in-charge (OIC) Maria Rosario Vergeire sa isang panayam.

Sinabi ni Vergeire na bilang OIC ng DOH, isa sa kanyang mga priyoridad, bukod sa COVID-19 vaccination drive at pandemic response ng gobyerno, ay lutasin ang isyu ng mga benepisyo ng healthcare workers.

Read More:  Authorities search Angeles subdivision in Bato hunt

Tiniyak ni Vergeire na isusulong niya na magkaroon ng karagdagang pondo para sa mga benipisyo ng mga health care workers na aminado siyang talagang ‘kulang’.

Binigyan-diin naman ng Health official na mayroon ding mga pondo na na-download sa DOH’s Centers of Health Development para sa benepisyo ng mga healthcare worker.

Read More:  NBI files ethics complaint against Kiko Barzaga

Aniya, magkakaroon ng mga pagpupulong sa hanay ng mga health workers upang pag-usapan ang ilang mga bagay, kabilang ang mga requirements
na kailangan matugunan ng mga head ng health faclities para sa paglalabas ng pondo.