NAGA CITY- 46 na indibidwal o 13 pamilya sa bayan ng Baao sa lalawigan ng Camarines Sur ang nabiyayaan ng family support package ng Department of Social Welfare and Development Office sa ilalim ng Balik Probinsya, Bagong Pag-asa o BP2 program.
Nagkakahalagang 10,000.00 hanggang 70,000.00 ang naipamahagi sa mga piling pamilya sa bayan ng Siruma.
Kabilang dito ang mga pagkain at ibang pang pangangailangan ng isang pamilya sa nasabing lugar. Sa naging pahayag ni Rosalie Barizo, Regional Program Coordinator ng programa, ang mga naipamahagi na tulong sa bawat benepisyaryo ay ibinase naman sa naging assessment ng social workers.
Ayon pa rito karamihan sa mga natulungan ng ahensya ay ang mga nakaranas nang matinding kahirapan sa Metro Manila na naging rason para umuwi sila sa probinsya.
Ayon pa kay Barizo, ang nasabing programa ay isang paraan para mabigyan ng oportunidad ang mga pamilya na nawalan ng trabaho. Kabilang sa mga ibinabahagi an tulong ng ahensya ay transportation assistance, livelihood assistance, transitory family support package at psycho social support.
(photo: DSWD V)