Naaagnas na ang katawan ng isang babae nang ito ay matagpuan sa karagatan ng Sitio Delian Brgy. Cabugao, Coron Palawan.
Ayon kay baranggay kagawad Roel Almonicar, bandang alas-sais ng umaga kahapon, May 21 natagpuan ng mangingisda ang katawan ng babae na palutang lutang.
Isinampa ito ng mangingisda sa bangka pero hindi nila makilala dahil sa agnas na ang mukha nito.
Idinagdag ni kagawad Almonicar na hindi pa nakikilala ang natagpuang babae at wala rin daw naiulat na nawawalang personalidad sa kanilang baranggay.
Samantala, nagpasya sina Kgd. Almonicar na ilibing na muna sa isla ng Delian ang katawan habang wala pang kaanak na umaangkin dito.
Iniimbestigahan na rin ng pulisya ang insidente.