103, 263 ePhilIDs naipamahagi ng PSA Camarines Norte mula Oktubre hanggang Disyembre 2022

CAMARINES NORTE- Umaabot sa 103, 263 ePhilIDs ang naipamahagi na ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa buong lalawigan ng Camarines Norte.

Sa pamamagitan ito ng pag- claim sa mga Philippine Identification System (PhilSys) Registration Centers, plaza type at house to house distribution.

Ayon sa PSA Provincial Field Office ang naturang mga numero ay nakamit mula Oktubre hanggang Disyembre 2022 operations.

Pinakamarami ang naipamahagi na sa Daet na nasa 17, 454 na sinusundan ng Jose Panganiban na may 15, 949 at Labo na may 15, 039.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Nasa 9, 122 ePhilIDs naman ang naipamahagi sa Basud, 8, 912 sa Mercedes, 8, 160 sa Vinzons, 7, 991 sa Sta Elena, 7, 577 sa Capalonga, 7, 123 sa Paracale,  3, 743 sa Talisay, 1, 274 sa San Vicente at 919 sa San Lorenzo Ruiz.

Unang tinarget ng PSA na makapag isyu ng 158, 240 ePhilIDs hanggang noong Disyembre.

Itinuturing naman ng PSA na isa pang “milestone” sa PhilSys implementation ang pag abot sa target na 13 milyon ePhilID na naipamahagi sa pagtatapos ng Disyembre sa buong bansa.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Ang ePhilID ay ang digital version ng PhilID na naka- print sa papel na may parehong bisa sa physical PhilID card.

Isa itong proactive strategy ng PSA upang ma- enjoy na ng mga nakapagparehistro sa Philippine Identification System (PhilSys)  ang mga benepisyong hatid ng national ID habang hinihintay ang physical ID card.

Ang mga rehistradong indibidwal na mayroong nang PhilSys Number (PSN) ay maaari nang mag avail ng ePhilID.