Unang traditional flag raising ceremony para sa taong 2023, isinagawa ng Albay Police Provincial office kasama ang gobernador

Isinagawa ng Albay Police Provincial Office, sa pamumuno ni Provincial Director, PCOL. Fernando L. Cunanan, Jr., ang pinakaunang traditional flag raising ceremony para sa taong 2023 kung saan kasama si Albay Gov. Atty. Edcel Grex Lagman na nagsilbing panauhing pandangal at tagapagsalita.

Read More:  Possible tawas, not shabu, found in Bacolod student’s bag, police say

Taos-pusong nagpahayag ng pasasalamat ang gobernador sa Albay Kasurog Cops sa walang patid na suportang ipinagkaloob sa pamahalaang panlalawigan ng Albay.

Iginiit ng gobernador ang pagbibigay niya ng buong suporta at nangakong  patuloy na makikipagtulungan sa Albay PPO sa pagsasakatuparan ng layunin nitong gawing ligtas ang lalawigan.

Read More:  Two NPA rebels surrender, arms cache recovered in Bicol

Samantala, kinilala rin ng Albay PPO ang mga top-performing units nito na katuwang sa pagsisikap sa pagpapatupad ng Manhunt Charlie Operations na nagresulta sa pagkakaaresto sa 16 Regional Most Wanted Persons noong nakaraang taon.