CAMARINES NORTE – Kulungan ang binagsakan ng isang lalaking suspek sa pagbebenta ng iligal na droga na naganap sa bayan ng San Vicente Camarines Norte matapos isagawa ang buybust operation laban sa suspek na si Roderick Bagtas y Villagen na residente ng purok 6 Barangay camambugan Daet.
Alas Dos y medya ng hapon kahapon, unang nagsagawa ng briefing ang mga operatiba ng San Vicente PNP sa pangunguna mismo ni PCapt Danilo I. Cosme Jr hepe ng San Vicente PNP, kasama ang mga operatiba mula Provincial Intelligence Unit, at 1st CNPMFC at ang mga mandatory Witness na Media at Barangay opisyal, na agad na nakipag ugnayan din sa PDEA.
Alas 3:47 ng hapon agad na nagtungo sa Barangay Calabagas ang grupo na pinangunahan mismo ng team leader na si PLt. Rossland Gonzalez kung saan nagkasundo na magkabilihan ang Suspek at mismong poseur buyer na miyembro ng mga operatiba.
Ilang minuto pang nag-antabay ang poseur buyer habang nasa di kalayuang lugar, lulan naman ng isang pribadong sasakyan ang isang team ng PNP kasama ang mga saksi, kasunod ang pagbigay hudyat ng poseur buyer na nagkabilihan na ang dalawa, agad namang inaresto na ito ng mga operatiba alas 4:45 ng hapon.
Sa isinagawang anti-illegal drugs operation, nahuli sa akto ang suspek sa pag bebenta ng pinaghihinalaang shabu, kung saan narekober sa suspek ang isang pirasong heat sealed transparent plastic sachet na buy bust drug, tatlong (3) pirasong small heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu, at isang pirasong five hundred peso bill (Php 500.00) na buy-bust money
Ang mga nakumpisikang ebidensiya ay nasaksihan ng mga mandatory witnesses habang isinasagawa ang inventory at markings ng imbestigador sa mismong pinangyarihan
Ayon kay PCapt Danilo I. Cosme Jr, ang suspek ay labas pasok na sa kulungan dahil sa iba’t-ibang kaso tulad na lamang ng theft at robbery kung saan nakuhaan pa ito ng video habang nagtatangkang nakawan ang isang kotse na nagtrending pa sa social media.
Nasa kostudiya ngayon ng San Vicente Municipal Police station ang nasabing suspek habang inihahanda naman ang kasong isasampa na paglabag sa Section 5 at Section 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

