KORONADAL CITY- NASA 43 na mga dating rebelde sa Cotabato province ang nakatanggap ng financial assistance mula sa Department of Social Welfare and Development o DSWD Region 12 kamakailan lamang.
Ang naturang ayuda ay bahagi ng after care program sa mga former rebels na sumuko at isinailalim sa deradicalization process at nakabalik na sa komunidad.
Ang mga dating rebelde ay nakatanggap ng tig P 5,000 na financial assistance.
Ito ay bahagi ng Whole of Nation Approach upang matuldukan na ang communist armed conflict.
