Occupancy rate ng mga TTMF, COVID 19 hospital beds sa region 12, bumaba na

KORONADAL CITY- NASA 2.9% na lamang ang occupancy rate ng mga Temporary Treatment and Monitoring Facilities o TTMF sa Soccsksargen Region.

Ito ang inihayag ni Dr. Dyan Zubelle Parayao, head ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit o RESU ng Department of Health o DOH 12 batay sa datos noong April 3, 2022.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Ayon kay Parayao na sa 5,442 beds sa 652 na mga TTMF sa rehiyon, 12 lamang ang okupado.
Nasa safe zone din ang occupancy rate ng mga COVID 19 hospital beds sa Soccsksargen.

Sa datos ng DOH 12, 138 lamang ng 1,653 total hospital beds sa 119 na mga health facilities ang okupado ng mga pasyente na infected ng naturang virus.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Sa ngayon, pinagsisikapan ng mga LGU’s at mga health authorities sa rehiyon na mailagay na ito sa Alert Level I sa pamamagitan ng pagpapanatili sa healthcare utilization rate sa low risk, pagpapababa sa COVID 19 cases at pagpapaigting sa COVID 19 vaccination.