42 BI personnel, sinampahan ng graft cases kaugnay sa ‘pastillas scam’

Sinampahan ng Office of the Ombudsman ang nasa 42 personnels ng Bureau of Immigration (BI) ng graft cases sa kinasasangkutang ‘pastillas scam’.

Ito’y kaugnay sa bribery o pagtanggap ng suhol upang makapasok sa bansa ang mga illegal Chinese citizens.

Read More:  DepEd prepares flexible learning rules for Super El Niño

Ang naturang grupo ng mga empleyado ay nangongolekta umano ng P10,000 kada pasahero kung saan aabot ito sa P1.43 million.

Read More:  VP Sara’s camp questions withdrawal of two impeachment articles

Samantala, tinatanggap umano ng mga Chinese suppliers ang regular pay-outs sa nasabing transaksyon mula sa mga travel agencies na nakabalot sa pastillas wrapper. (ARGIE ERGINA)