Imposisyon ng oil excise tax, hindi sususpendihin ng Palasyo

Iginiit ni Acting Presidential Spokesperson Martin Andanar na hindi sususpendihin ng Palasyo ang imposisyon ng oil excise tax sa bansa.

Aniya ang nakukuhang buwis mula dito ay makakatulong mapondohan ang ilang mga programa ng gobyerno.

Read More:  Marcos vows to address nurse shortage, hospital vacancies

Kabilang sa mga ito ay ang sahod ng mga guro, Build Build Build projects at iba pang mga proyekto ng pamahalaan.

Read More:  Remulla names former BTA member as alleged financier in Laos drug shipment

Samantala, sinabi ni Andanar na nasa susunod na administrasyon na kung mananatili ang nasabing pulisiya sa kanilang pamumuno. (ARGIE ERGINA)