4,114 new COVID-19 cases, naitala; Active tally, bahagyang bumaba sa 49K

Naitala ng Department of Health ang 4,114 na mga karagdagang kaso ng coronavirus disease (COVID-19), dahilan para lomobo ang total caseload sa 1,445,832.

Ito ang pinakamababang bilang ng bagong COVID-19 cases simula noong June 30, na nagtala ng 4,353 virus infections.

Sinabi naman ng DOH na bahagyang bumaba ang active cases sa 49,613 mula sa 51,594 na naitala noong July 5.

Pero ayon sa ahensya, hindi pa kasama sa bilang ang resulta mula sa siyam na laboratoryo na bigong makasumite ng kanilang datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Mula naman sa active cases, 90.8% ang nakaranas ng mild symptoms; 3.9% ang asymptomatic; 1.5% ang kritikal; 2.2% ang severe; at 1.62% ang moderate.

Samantala, tumaas rin ang fatality tally sa 25,296, matapos pumanaw ang 104 pang pasyente, habang total recovery count ay pumalo sa 1,370,923, matapos na gumaling ang 6,086 na mga bagong survivors. // MHEL PACIA-TRINIDAD