Habagat, localized thunderstorms magdadala ng ulan sa Luzon, Visayas

Makakaapekto ang southwest monsoon sa western sections ng Luzon at Visayas.

Ayon sa Pagasa, iiral ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Western at Central Visayas, Zambales, at Bataan.

Read More:  Rescued Philippine Eagle Sawaga-Dalwangan dies during rehabilitation

Pinapayuhan ng PAGASA ang mga apektadong residente na maghanda para sa posibleng flash floods o landslides sa oras ng katamtaman hanggang sa kung minsa’y malakas ang ulan.

Read More:  Cayetano backs SEA Games probe, seeks flood control investigation

Samantala, ang ibang bahagi ng bansa ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated rain showers o thunderstorms dahil sa southwest monsoon o localized thunderstorms. // MHEL PACIA-TRINIDAD