Kambal na magkapatid sa panghahalay sa menor-de-edad, magkasama na sa kulungan

SORSOGON CITY – Magiging magka-‘kosa’ na ang kambal na magkapatid na kapwa may kasong panghahalay sa iisang biktima na menor-de-edad sa bayan ng Casiguran, Sorsogon.

Kamakailan lang ay naaresto na ng mga awtoridad, sa Brgy Casay ng nasabing bayan si Randy Hajas Macalinao. Itinuturing din itong rank No. 3 most wanted person ng Casiguran Police.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Ang pag-aresto ay sa pamamagitan ng bisa ng warrant of arrest sa kasong rape na may relasyon sa RA 7610 o Child Abuse na ipinalabas ng Family Court RTC 5th Judicial Region Br 12 na walang kaukulang piyansa.

Batay sa ulat, nangyari ang unang panggagahasa sa biktima noong Enero 2012, habang namumulot umano ng ‘balig-ang’ ang biktima ay sapilitang hinila ito ng suspek at dinala sa isang masukal na lugar saka hinalay.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Naulit ang krimen noong Marso ng parehong taon, habang naglalaro ang biktima sa tapat ng bahay ng mga suspek nang hablutin  naman ito ng kapatid na kambal na si Rex Macalinao saka pinagsamantalahan.

Una nang naaresto si Rex na ngayon ay kalaboso na sa BJMP.