40 panibagong kaso, 29 nakarekober at 1 pagkasawi dahil sa COVID-19 naitala sa Camarines Norte kahapon

CAMARINES NORTE- Naitala ang unang single day record high ng panibagong kaso ng COVID-19 ngayong buwan ng Agosto ang lalawigan ng Camarines Norte kahapon

Sa report ng DOH Bicol, 40 panibagong kaso ang naitala kung saan nangunguna ang bayan ng Daet na may 15, tig-7 bagong kaso naman ang bayan ng Jose Panganiban at Sta. Elena, naitala naman ang 6 na bagong kaso sa bayan ng Labo, habang may 3 kaso ang nagmula sa Vinzons at may tig-1 kaso ang bayan ng Capalonga at Mercedes

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Bunsod nito ay sumampa na sa 1,459 ang kabuuang bilang ng mga indibidwal na naapektuhan ng Virus

Sa kabila naman ng naitalang single day record high ay muling nakapagtala ng 29 na kaso ng recoveries ang lalawigan kung kaya’t mayroon ng 1,142 na mga pasyente ang tuluyan ng gumaling sa sakit

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Nadagdagan rin ng 1 kaso ang nawalan ng buhay at ngayon ay umaabot na sa 76 ang total death toll sa probinsya 

Ang Camarines norte as August 13, 2021 DOH report ay mayroong 241 total active cases