Suspendido ang face-to face classess sa apatnapung lokal na pamahalaan sa CALABARZON ngayong araw dahil sa volcanic smog mula sa Bulkang Taal.
Ayon sa NDRRMC , 25 lokal na pamahalaan na nagkansela ng klase ay mula sa Batangas, 10 sa Cavite, at 5 sa Laguna.
Nagpatupad muna sa mga ito modular distance learning o online class.
Ayon sa NDRRMC, patuloy na minomonitor ng kanilang regional counterpart ang vog formation sa mga lalawigan ng Batangas, Cavite, at Laguna, at nakikipag-ugnayan sa DOST-PHIVOLCS, DENR-EMB CALABARZON, at iba’t ibang LDRRMOs upang suriin ang sitwasyon at magbigay ng kaukulang tulong kung kinakailangan.
Pinapayuhan naman ang publiko na limitahan ang mga aktibidad sa labas, at kung kinakailangan ay magsuot ng face mask o N95 mask para sa proteksyon.
Uminom ng maraming tubig upang maiwasan ang iritasyon sa lalamunan o pagbara ng ilong, at agad na humingi ng atensyong medikal na kung kinakailangan.
Sa ngayon, wala pang naiuulat na bilang ng apektadong papulasyon dahil sa vog.