4 wounded soldiers sa nangyaring engkwentro vs. NPA sa Isabela; pinarangalan ng 5th ID Phil. Army

Binigyan ng Wounded Personnel Medal ang apat na sundalo na miyembro ng 95th Infantry Battalion na nasugatan sa nangyaring engkwentro laban sa mga rebeldeng NPA sa Camp Melchor F Dela Cruz Station Hospital, Upi, Gamu, Isabela.

Personal na ikinabit ni MGen Laurence Mina, Commander ng 5th Infantry Division Philippine Army ang naturang medalya na sumisimbolo sa kanilang katapangan at kabayanihan sa pagprotekta sa mga mamamayan mula sa kamay ng mga CPP-NPA.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Personal na ikinabit ni MGen Laurence Mina, Commander ng 5th Infantry Division Philippine Army ang naturang medalya na sumisimbolo sa kanilang katapangan at kabayanihan sa pagprotekta sa mga mamamayan mula sa kamay ng mga CPP-NPA.

Magugunitang nagtamo ng sugat sa katawan ang apat na sundalo habang nakikipagsagupaan sa mga armadong grupo noong August 13, 2021 matapos respondehan ang ibinigay na impormasyon ng mga residente nang pangingikil ng mga NPA.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Narekober din ng mga kasundaluhan sa pinangyarihan ng engkwentro ang mga armas, bala at kagamitan ng mga rebelde.

Pinuri naman ni MGen. Laurence Mina ang apat na sundalo dahil sa pagpapakita ng kanilang katapangan upang maprotektahan ang mga mamamayan at pagmamahal sa bayan.

Images: 5th ID, PA