6 beneficiaries mula Mallig, Isabela; nakatanggap ng livelihood kits mula DTI

Nakatanggap ng kabuuang 48,000 pesos na halaga ng livelihood kits sa ilalim ng Livelihood Seeding Program-Negosyo Serbisyo sa Barangay (LSP-NSB) at Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa (PPG) ng DTI Region 2 ang anim na benepisaryo mula sa bayan ng Mallig, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan mula sa DTI-Isabela, ang naturang programang ay makatutulong upang mabigyan ng prayoridad at maingat ang Negosyo ng Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) na apektado dahil sa kinakaharap na COVID-19 pandemic.

Read More:  Wounded NPA member rescued after Negros encounter

Sa pagsasalita ni Municipal Administrator Kareen Benitez, nagpasalamat siya sa naturang ahenya dahil sa patuloy na pagbibigay serbisyo upang matulungan at mapalago ang negosyo ng mga benepisaryo.

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

Kaugnay nito, napag-usapan din nina Admin Benitez at Chief Ellerie Ramel ng Business Development Division ng DTI Region 2 na magsasagawa ng pagsasanay kaugnay sa Barangay Micro Business Enterprise, Pagplano sa Negosyo at Simpleng Pagtala sa mga aklat ng mga kalakal.

Image: DTI Isabela