Kagawad ng barangay na umano’y miyembro ng NPA at may double murder case, timbog ng mga otoridad sa Masbate

SORSOGON CITY – Arestado ng mga otoridad ang kagawad ng isang barangay sa Cawayan, Masbate na isa rin umanong miyembro ng NPA  sa isinagawang manhunt operation ng RID-RSOU5 katuwang ang 1st PMFC Masbate PPO, PIU Masbate PPO at Cawayan MPS.

Kinilala ang akusado na si Bobby Jumao-As alyas ‘Ka Totong,’ 45-anyos at incumbent Brgy. Kagawad ng Brgy. Tubog, Cawayan, Masbate.

Inaresto ito sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong double Murder at walang inilaang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Maliban pa rito nahaharap rin ito sa mga kasong Attempted Murder, Frustrated Murder na may piyansang Php120,000 bawat isa.

Sinampahan rin ito ng kasong paglabag sa “Anti-Terrorism Act of 2020.”

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Ang naturang suspek ay isa sa sangkot sa pagpatay sa Brgy. Kagawad at Brgy. Tanod ng Brgy. Cabas-an, Aroroy, Masbate noong Enero 18, 2021.

Napag-alaman na si Jumao-as ay isang aktibong miyembro ng Larangan 2, Komite ng Probinsya 4, Bicol Regional Party Committee sa command ni Luding Tulingin alyas ‘Ka Dadi.’

Maayos naman umanong sumama sa mga otoridad ang akusado at sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng Cawayan MPS para sa kaukulang disposisyon.