4 patay, 20 sugatan matapos mag-collapse ang tulay sa Loay, Bohol

Hindi bababa sa apat na indibidwal ang naiulat na namatay sa malagim na pagguho ng tulay sa bayan ng Loay, Bohol.

Kinilala ni Loay Mayor Lahar Ayuban ang mga nasawi na sina Arniel Cilos, Emilia Gemina, Epifhany Onada, at isang Australian National na si Michael Ouschan.

Read More:  Lawmaker pushes for passage of 5% student discount bill

Nasa dalawampung indibidwal naman ang nakaligtas sa naturang insidente.

Sinabi ni Police Lt. Thomas Zen Cheung, information officer ng Bohol Provincial Police Office, nasa 10 sasakyan, kabilang ang dalawang dump truck, ang nalubog sa Loboc River nang gumuho ang Old Clarin Bridge dakong alas-4:10 ng hapon nitong Miyerkules.

Read More:  OSG seeks dismissal of Marcos drug test petition

Nagpapatuloy pa rin ang search and rescue operations na ginagawa ng mga otoridad.