PNP Daet handang-handa na sa pagdating ng mga vote counting machines at deployment ng mga kapulisan

Handang-handa na ang PNP Daet sa pagdating ng mga Vote Counting Machine’s o VCM sa bayan ng Daet sa lalawigan ng Camarines Norte.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay PLT Flory Jane Consuelo, Deputy Chief of Police ng Daet Municipal Police, patuloy ang koordinasyon ng hepatura sa Commission on Elections para sa mga darating na mga VCM’s sa lahat ng presinto sa nasabing bayan.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Inaasahan na darating ang mga VCM’s araw ng Mayo 2 na idideretso naman ito agad sa mga presento  at ang final testing nito ay sa Mayo 3.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Aniya, patuloy naman ang koordinasyon ng PNP sa Armed Forces of the Philippines para sa seguridad ng nasabing bayan. Wala naman na idinagdag na tao ang nasabing hepatura.

Samantala, ‘Generally Peaceful’ naman kung ilalarawan ang nasabing bayan simula pa umano noong kampanya at implementasyon ng Election Gun Ban sa lugar.