KORONADAL CITY — NAKAPAGTALA na ng apat na sunog ang Bureau of Fire Protection o BFP – Koronadal ngayon buwan ng Setyembre.
Ito ang kinumperma ni Senior Fire Officer 3 Ricky Villacura sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal.
Ayon kay Villacura, na ang sunog na nangyari sa Purok Kaunlaran, Barangay Sto Niño na nag-iwan ng inisyal na pinsala na mahigit P100,000 ang itinuturing ng ahensya na pinakamalaking sunong ngayong buwan.
Nanawagan naman ang nasabing opisyal sa publiko na ugaliing i-check kung nakapatay ang mga appliances sa kani-kanilang pamamahay na posibleng pagmulan ng sunog at huwag hayaan na maabot ng mga bata ang mga lighter o posporo na nagdadala ng apoy upang maiwasan ang sunog.
Nilinaw di ng opisyal na sa oras na may mangyayaring sunog agad itong itawag sa pinaka-malapit na firestation at unahin ang pagsala ng buhay kaysa sa mga gamit.
