4 na mga driver nagpositibo sa iligal na droga sa operasyon ng LTO Bicol sa Pamplona Camarines Sur

NAGA CITY-  Apat na mga driver ng truck ang nag positibo sa ipinagbawal na gamot sa ikinasang “Oplan Ligtas Kalsada Kontra Droga” ng Land Transportation Office sa Pamplona Camarines Sur.

Ito ang kinumpirma sa Brigada News FM Naga ni LTO Pamplona District Office Chief Nero Dy Claro. Dagdag pa nito na 19 ang kanilang ina-assess na posibleng may palabag sa R.A. 10586 or the Anti- Drunk and Drugged Driving Act.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Mababatid na madalas ang aksidente sa kaniyang distritong nasasakupan.

Isa sa mga dahilan ng aksidente  sa bansa ayon kay Claro ay ang pagmamaneho ng lasing o positibo sa iligal na droga. Human error ang pinaka dahilan ng aksidente.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Maliban dito may 30 na mga truck na na-flagged down na subject naman sa R.A. 8794 or the Anti-Truck Overloading Law, 10 sa mga ito ang hindi pumasa.

Isinagawa ang operasyon ng  LTO Region 5, LTO Central Office, PNP-Pamplona, PNP-Crime Laboratory at DPWH Region 5.