Nabigyan na ang apat na Isabela Micro Small Medium Enterprises ng License to Operate (LTO) certificate mula sa Food and Drug Administration (FDA) upang mapayagan ang mga ito na magsagawa ng manufacturing operations.
Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan ang apat na MSMEs ay kinabibilangan ng FPAC na mula sa Cabatuan Isabela kung saan ang produktong Isabela’s munggo soup na binuo ng Department of Agriculture’s Cagayan Valley Research Center (DA-CVRC) ay inadopt ng FPAC para sa commercialization na ngayo’y naibebenta na sa buong probinsya.
Kabilang rin dito ang EM Manuel Meat Shop sa Santiago City na sinimulan ang food processing business noong 2019. Ang produkto nitong longganisa ay naibebenta na sa buong rehiyon maging sa probinsya ng Ilocos at Aurora.
Ang Myra’s Bakeshop naman ay nagsimulang pasukin ang food manufacturing industry noong 2012.
Habang ang Mang Inyong’s Smoked Fish Manufacturing sa Santiago City ay nagsimula noong 2017 kung saan nakakapagbenta na rin ito sa Quirino at Cebu. Habang mabenta rin ito sa mga OFW at ginagawang pasalubong sa mga Filipino na nasa ibang bansa.