4-anyos at pababa puwede ng isama sa loob ng mga Commercial Establishments sa Naga City

NAGA CITY – Pinapayagan na ng Naga Coty Government na makapasok sa kahit anong commercial establishments kabilang na sa mga mall, mga hotel, restaurants ang mga batang 4-anyos at pababa maging ang mga sanggol pa.

Kailangan lamang na pareho ng bakunado ang mga magulang nito o kahit na sinumang guardians na kasama nila sa pamamasyal.

Puwede na rin ang mga itong huwag na pasuotin pa ng face mask ang mga edad 2-anyos pababa dahil baka ma suffocate pa.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Nakapalaman ito sa sa executive order 2022-008.

Base sa inilabas na anunsiyo kagabi ng City Events Protocol and Public Information, ni Allen Reondanga bilang head, napag-alaman ng Brigada News FM Naga na patuloy ang pagbuti ng kalagayan ng lungsod, laban sa COVID-19.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

5 aktibong kaso na lamang o mas mababa pa sa loob ng isang linggo noong nakaraang buwan ng Enero.

Bumaba na rin ang Hospital Care Utilization Rate, wala ng COVID patients na nasa ospital.

Asahan na ang lalo pang pagdami ng mga tao sa lungsod, dahil sa panibagong development na ito sabi pa ni Reondanga.