34 anyos na lalaki arestado matapos mahulihan ng baril

Arestado ang 34-anyos na lalaki matapos na mahulihan ng baril dakong 11:55 ng gabi, nitong sabado (May 20, 2021) sa Purok 9, Barangay Larap, Jose Panganiban, Camarines Norte.

Kinilala ang suspek na si Arjay Jalandoni y Bañez, residente ng Purok 9, Barangay Larap, ng nabanggit na bayan

Sa ulat ng pulisya, Si JALANDONI ay naaresto matapos makuha ang isang hindi lisensyadong baril sa kanyang tirahan habang isinasagawa ang paghalughog alinsunod sa kautusan ng korte para sa paglabag ng RA 10591 na ipinalabas ng RTC Branch 40, Daet, Camarines Norte na may petsang Mayo 26, 2021.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Nakuha sa nasabing operasyon ang isang (1) kalibre 38 na baril na walang trademark at isang (1) bala.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Nakakustodiyan ngayon ang suspek sa Jose Panganiban MPS habang inihahanda ang  kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act laban dito