3 bus companies sa Cagayan, pinayagan nang bumiyahe

Balik-operasyon na ang tatlong bus companies sa Cagayan simula nitong December 1, 2021 matapos payagan ng LTFRB Region 02.

Ito ay kinabibilangan ng Florida, Victory at 5-Star bus company.

Ayon kay LTFRB Region 2 Director Edward Cabase, point-to-point ang biyahe at mahigpit na ipinagbabawal ang pagbaba at pagsakay ng mga pasahero sa anumang parte ng provincial route.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Nagtalaga ang ahensya ng QR Code sa bawat operator kabilang na ang APPS mula sa LTFRB para mamonitor ang pagbiyahe ng mga PUB.

Mayroon naman umanong itinalagang mga stop-over points at terminal kung saan titigil ang mga pampasaherong sasakyan.

Kailangan lamang magpakita ng COVID-19 Vaccination Card ang mga pasahero na ‘fully vaccinated’ habang kinakailangan pa ring magpakita ng antigen test result na valid sa loob ng 72 hours ang mga hindi pa kumpleto ang kanilang bakuna.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Sa ngayon ay 70% muna ang pinapayagang kapasidad sa mga sasakyan at maaring madagdagan pa ito.

Mapapatawan ng kaukulang parusa ang mga driver at operator na lalabag sa protocol at guidelines na inilabas ng Inter Agency Task Force.