33 street vendor na inireklamo sa Naga, hinahanapan pa ng puwesto

NAGA CITY – Nilinaw ng Lokal na Pamahalaan ng Naga, wala pang deriktibang pagpayag sa 33 street vendor na pwede magtinda o magpwesto sa may harapan ng isnag kilalang mall sa lungsod at sa iba pa, matapos ng kanilang kahilingan.

Ayon kay Elmer Baldemoro, City Administrator ng lungsod, isinasaayos pa at tinitingnan kung ano ang magandang solusyon lalo iniiwasan na makaharang sa kalsada at hindi maka-apekto sa mga nagbabayad na mga nagnenegosyo sa lugar.

Sa panayam naman kay Nephthali Pabines, Market Supervisor IV, ng Market Enterprise and Promotion Office, hindi pinatigil sa pagtitinda bagkus ay binigyan ng kaunting konsiderasyon habang hinahanapan pa ng pwesto na ikakabuti nila at ng mga nagrereklamong kainan.

Mababatid na inireklamo sila matapos na mapag-alamang nagiging kakompitensya ng ma kainan, humingi ng tulong sa LGU na bigyan ng konsiderasyon at handang sumunod hindi lang patigilin na magtinda, na kung saan wala pang pinal na pwesto para sa kanila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *