33 pasahero ng barkong 2GO nakababa sa Batangas; madugong contact tracing isasagawa

Batangas -Madugong contact tracing ang maaring isagawa sa mga pasaherong nakababa ng barkong 2Go matapos na magpositibo sa virus ang 29 na crew na bumiyahe ng Caticlan at bumiyaheng  muli pa-Batangas nitong nakaraang lingo.

Sa panayam ng Brigada News Fm Batangas kay Dra Rose Ozaeta, Batangas Provincial Health Officer, nagbigay paalala ito sa may 33 pasahero na nakababa ng barko na kinakailangan na obserbahan, isumite ang sarili, humingi ng tulong sa kanilang mga rural health unit kung may mga sintomas na mararamdaman.

Ang mga pasaherong ito ay nakababa ng barko noong dumating sila sa Port of Batangas noong Agosot 4, habang ang mga crew ay nanatiling onboard dahilan sa ang ilan sa kanila ay nakararanas na ng sintomas, sila ay sumailalim sa covid19 test at mula sa 80 crew ay 25 sa mga ito ang nagpositibo sa virus.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Aniya tuloy tuloy pa rin ang ugnayan ng kumpanyang  2GO at ng pamahalaang panlalawigan sa pagsasagawa ng contact tracing ng mga pasaherong nakababa ng barko na ayon kay Dra Ozaeta ay madugo, aniya kahit taga-Maynila ang address ng mga pasaherong ito ay maaring nagawa pang mamasyal sa Batangas o sa iba pang mga lugar bago sila tumuloy ng kanilang pag-uwi.

Isa pa ayon kay Dra Ozaeta, kelangan din maipaalam sa pamahalaan ng Caticlan ang sitwasyon ng mga naging pasahero ng 2GO na umalis noong Agosto 1 mula sa Batangas dahilan sa may nauna ng dalawang crew ng barko ang nagpositibo sa virus.

Matatandaang ang 2 crew na ito ang naunang bumaba ng barko dito sa Batangas City matapos na ang isa sa kanila ay makaramdam ng sintomas, nagpahatid ang dalawang ito sa isang tricycle patungo sa isang pribadong ospital sa Batangas City.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Sa ngayon ang 25 crew na nagpositibo sa virus kasama ang iba pa ay nasa loob pa rin ng barko na naka-angkorahe sa karagatan sakop ng Bauan, Batangas bukod pa ang 3 crew na nananatili sa ospital at ang isa ay nasa isa ng isolation facility.

kaugany nito, nabigyan ng katiyakan na hi-hiwalay ang mga nagpositibong crew, may kanya kanyang kwarto, meron na din umanong naka-duty  doctor mula sa kumpanya na onboard sa barko.

Samantala, tiniyak na din ni Dra Ozaeta na iaakyat na ng Batangas IATF ang sitwasyon ito sa Regional at National IATF upang agarang maaksyunan sa lalong madaling panahon.