33-anyos na babae, arestado sa kasong may kinalaman sa carnapping sa Ligao, Albay

LEGAZPI CITY – Arestado ang isang 33-anyos na babae sa Brgy. Herrera lunsod ng Ligao dahil sa kasong paglabag sa New Anti-Carnapping Act of 2016.

Kinilala ang akusado na si Charlou Lagura Milo, residente ng P-4, Sitio Caransag ng nasabing barangay.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Ayon sa report, umaga nang silbihan ng warrant of arrest ang akusado na pirmado noong Agosto 24, 2022 sa nasabing kaso.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Aabot sa P300K ang inirekomendang piyansa ng korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Ang akusado ay dinala sa Ligao CPS para sa kaukulang disposisyon.