KORONADAL CITY- NASA 314 na mga manggagawa sa Soccsksargen region ang nakatanggap ng monetary claims na nagkakahalaga ng P 6.4 million mula sa labor dispute issues na nalutas sa pamamagitan ng Single Entry Approach o SEnA ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa first semester ng taong 2023.
Ang SEnA ay isang paraan na nagbibigay ng mabilis, patas at accessible settlement ng lahat ng labor issues at conflicts upang hindi na lumaki pa at humantong sa pagsasampa ng kaso.
Karamihan sa mga isyu at reklamo na nai-file sa pamamagitan ng SEnA ay ang hindi pagbabayad ng 13th month pay, final pay, underpayment o non-payment ng wages, separation pay at holiday pay.
Sa ngayon, mas pinabilis na ang filing ng request for assistance dahil maaari nang mag-file online sa pamamagitan E-SEnA o sa website na http://sena.dole.gov.ph.
Ang mga matatanggap na request ay isasailalim sa verification at isi-schedule para sa conciliation-mediation sa loob ng 30 calendar days.
